Sakit ng tiyan
Labing isang buwan na akong namamahay sa isang lugar na malayo saaking kinalakhan, hindi ko naman ikinakaila na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako na sanay.
Wala naman akong hindi gusto sa bansang ito.. Malinis naman, mababait ang mga tao, maganda naman ang tirahan ko at masarap naman ang pagkain ngunit kahit anong gawin ko, ang aking puso ay pilit na hinahanap hanap ang Pilipinas. Buong buhay ko eh doon ako namalagi, kaya hindi mo rin naman ako masisisi kung hanggang ngayon eh pilit kong binabalik balikan ang mga alalaala ng nakaaran.
Masakit malaman at tanggapin na ang tanging nagpapatawa saakin ngayon ay ang mga Korean variety shows na aking pinapanuod araw-araw. Oo, tama ka nang binasa, ARAW-ARAW.. Noon kasi araw-araw din akong tumatawa pero dahil sa mga kaibigan, kaklase at kamag-aral ko. Halos magkapasa na nga ang aking katabi sa kaka-palo ko sa kanya tuwing may corning joke na ibinahagi sa klase, kitang kita rin ang luha sa mga mata ko kapag nasobrahan na ako ng tawa sa mga ad lib sa mga role playing at higit sa lahat ay ang hindi mapapantayang sakit ng panga at ng tiyan sa kakatawa.
Sana kapag naramdaman kong sumakit ang tiyan ko eh hindi dahil sa nakain ko kundi dahil masaya at tuwang tuwa ako..
:( I miss you.



